
Featured Articles
View it now!
|
2007 Archive
|
|
By Jeannette Andrade Phil. Daily INQUIRER, September 30, 2007, Page A19 |
|
By Rocky Sanchez-Tirona Philippine Business Magazine: Volume 14 No. 2 - Corporate Citizenship (www.philippinebusiness.com.ph) |
|
|
|
|
|
|
Featured Literature
"Alitaptap" ni Lope K. Santos
Patak ng liwanag ng mag bituin
Ay di pa man bagay itawag sa akin;
Sa pinamulan ko'y walang makaturing,
Sukat sa pagsipot kung gabing madilim.
Patay ako't takot sa mata ng araw,
Datapwa't sa dilim, buhay at matapang;
Kung sa dakong gubat, kami'y kawan-kawan,
Sa mapamahiing kinatatakutan.
Ang puno ng kahoy na nadapuan nami'y
Munting langit waring hitik ng bituin;
Pag yuta-yuta na kaming nagniningning,
Dilim mang makapal ay natatlo rin.
Mamatay, mabuhay ang aking liwanag,
Anaki ay matang mapikit-madilat;
Kung sa mga batang ako'y hinahangad,
Natatawa ako habang tumataas.
Sa amin ang tao'y matututuhang
isang halimbawa ng pagsasamahan:
pag ang mga isip ay nagiilawan,
Walang maliblib na katotohanan.
(Artwork by Joanne de Leon)
